(Written in Filipino - Taglish language, I will post the full English version later on)
Hello kabayan,
Iba na talaga ang panahon ngayon, lalo na yung way of life natin. Dahil na rin sa technology, innovation at internet, mas mabilis at madali na gawin ang mga bagay-bagay lalo na ang communication, pakikibalita, libangan at pati na rin ang pamimili gamit ang internet o "online shopping". And isa nga ito sa mga bagay na idi-discuss ko sa blog na 'to.
At dahil nga convinient ang online shopping, usual ko 'tong option para mamili. Bakit ba nman hindi, eh bukod sa free delivery eh halos pareho lang naman (kung minsan eh mas mura pa) ang price at hindi mo na kailangan lumabas, mamasahe at ma-trapik para pumunta ng mall or appliance center.
One of the popular na online store dito sa atin eh LAZADA. Marami na rin akong nabiling products at gadgets dito. I can say na maganda naman ang kanilang service. Mabilis ang delivery at wala akong naging problema sa price (based na rin sa quality) ng mga products na nabili ko dito. Share ko lang yung experince ko sa pagbili ng isa sa mahalagang gamit sa bahay nating mga Filipino, ang electric fan. Para na rin sa kaalaman ng ating mga kababayan at makatulong din para sa matalinong pamimili.
Ito yung nakita kong ad sa kanilang online store:
Eh dahil sa tingin ko ay tama lang 'to sa need ko at swak naman sa budget, I decided na bilhin ito. Besides, limitado rin ang oras ko para lumabas at bumili sa mall o appliance center. And after a day, na deliver ito sa bahay.
Na-deliver 'to na nakalagay sa isang kahon at may balot na plastic. Dito pa lang nagkaroon na akong idea sa quality ng nabili ko.
Kahit nasa kahon at may mga balot ng plastic, hindi ito ang karaniwan kong nakikitang kalidad sa packaging ng isang produkto.
Para sa akin, mababa ang quality ng kahon, may mga sira na at halatang hindi naging maayos ang handling ng produkto. Not sure kung ito ay mula pa lang sa pagawaan o dahil sa proseso ng pagde-deliver.
Naisip ko na pwede ko naman ibalik 'to kaya lang para makaiwas pa sa dagdag na abala (at kaya naman talaga online shopping ang pinili ko) ay sinubukan ko na rin buuin at gamitin.
Ito yung mga pictures ng laman ng kahon.
Nung makita ko ang mga parts ng produkto ng malapitan, na-confirm ko kung gaano kababa ang quality ng materyales na ginamit dito.
Ang mga plastic parts ay napakanipis at pwedeng masira sa napakagaang pwersa lang. Ganun din ang mga metal parts na pwedeng mabaluktot at mabali gamit lang ang pwersa ng kamay ko. Kaya maingat ko na lang in-assemble 'to. May mga parts din na sadyang hindi binigyan ng sapat na atensyon at pansin ang quality.
Ito yung part ng base or stand ng fan to serve as counterweight at para magkaroon ng balance at hindi ito bumagsak o mabuwal.
You can see na may mga basag (crack), kalawang at talagang hindi pulido ang pagkakagawa.
Ito naman ay plastik part ng grill na ikinakabit para sa proteksyon sa fan blades. We can see kung gaano kanipis ang plastik at out of shape pa. Dahan-dahan ko na rin lang ikinabit kasi pwede 'tong masira ng tuluyan dahil sa maling paghawak o katamtamang pwersa lang.
Anyway, kumpleto naman ang lahat ng parts at maayos ko na assemble. This time inisip ko na lang na baka naman ok ang performance at durability nito.
Eto yung assembled fan.
At dahil bilog ang plug nito, kailangan pa ng adaptor bago maikabit sa wall outlet.
After maikabit sa wall outlet, gumana naman. Hindi gaanong malakas ang hangin kung compared sa ibang electric fan ko sa bahay dahil 40 watts lang 'to at ang iba kong electric fan eh 75 watts. Ok din ang remote control at mas maginhawang gamitin. Ginamit ko 'to sa opisina ko sa bahay at ang isa eh sa kwarto namin.
Then, dito na nagsimula ang mga problemang malamang eh dahil nga sa poor quality nito.
Wala pang isang oras eh napuno na ng masangsang na amoy ang kwarto namin na amoy na parang nasusunog na plastic. At ito eh nanggaling sa electric fan na 'to.Though running naman , naramdaman ko na medyo mainit ang motor. Eh dahil medyo masangsang ang amoy, tinigil muna namin ang paggamit. Ang naisip ko lang eh dahil bago, may effect ang pag-init ng motor sa varnish at plastik na ginagamit sa pagbuo ng motor and pwedeng mawala din 'to after some hours of use. Pero kahit after ng isang linggong gamit, still may amoy pa rin kapag ginagamit ( hindi naman kasing tindi nung amoy nung mga unang araw).
Until after ilang buwan lang (mga 3-4 months) eh hindi na tumakbo ang isa. Hindi na ako nagulat at nagtaka. Eh dahil hilig at hobby ko rin ang pag-re-repair ng mga sirang gamit sa bahay, sinubukan ko na rin 'tong gawin. Hindi na rin ako nag-isip na maghabol ng warranty bukod sa wala akong panahon at para makaiwas na rin sa abala. Tinanggap ko na lang 'to as my loss.
Ang unang problem nung isa eh nasira yung motor. Pwedeng may naputol na connection sa wiring nito dahil na rin sa init at low quality nga ang pagkakagawa. Madali lang naman malaman gamit lang ang multimeter at ilang mga test procedure. Hindi ko na 'to pinagkaabalahang ayusin dahil mas mahal pa ang mag-repair ng electric fan motor (o magpa-rewind) kesa bumili na lang ng bago.
After 1-2 months eh nasira na rin yung isa. Based on initial isolation, possible naging dahilan ng pagkasira nito eh sirang capacitor. Ang capacitor eh electronic component na kelangan ng AC motors para mag-start at tumakbo ng maayos.
Here, we can see na hindi na tama ang rating ng capacitor from a capacitance test. Ang nakakabit na capacitor eh may rating na 1.2uF (microfarad) pero ang reading eh 844nF (nanofarad) na lang.
Sinubkuan ko 'tong palitan ng capacitor galing sa unang nasirang unit. Pero bago ko ginawa, nag test din muna ako.
Pagkatapos ko palitan yung capacitor, dun ko nalaman na sira na rin ang motor nito. Ang maaring nangyari dito eh dahil low quality din yung capacitor, nasira 'to kaya nag-overheat ang motor.
Ito yung picture ng electronic circuit na nasa loob. Eto 'yung nag co-control ng remote at iba pang function like fan speed at timer.
Na-test ko rin ito at ok pa naman kaya kinuha ko na lamang ito para magamit sa iba pang electronics project ko.
At dito nagtatapos ang kwento, after less than a year eh junk na lahat yung fans. Binigay ko na lang sa mangangalakal yung mga plastic at iba pa. Lesson learned, product quality and durability has it's price. Wag padala sa mga "too good to be true" na mga offers, especially online.
Hanggang sa muli kabayan, salamat!
Kung nagustuhan mo ang blog na ito, like mo at share mo para malaman at makatulong din sa iba.
Maari ka rin mag-comment sa ibaba kung may nais kang ipaalam sa akin.
Inaanyayahan din kita na...
Mag like sa Facebook:
https://www.facebook.com/theengineerisin/
at
Manood ng video sa aking Youtube channel:
https://www.youtube.com/channel/UCrPoetmre_Jg0Xms7IyAGHA
Ang lahat po ng ibinahagi ko rito ay batay lamang sa aking personal na opinyon. Hindi po ito maaring gamitin ng sinumang indibidwal o organisasyon na maging batayan para sa kanilang sariling pagpaphayag. Ang lahat ng tatak at produkto na nabanggit ay walang pananagutan ukol sa lahat ng nakapaloob sa blog na ito.
No comments:
Post a Comment